<body>

5/19/2012

Birthday ng pinakamamahal naming si Justine! Dalaga na siya! HAHAHAHHA. I mean binata na siya . Ang sarap tlaga pag yung naghahanda yung bahay nila nasa kabukiran, all out ang handaa, madaming madaming handa, yung parang hindi mauubusan, unlimited ang ulam. Syempre, feel na feel ko tlaga na so special kami may table na para samin at punong-puno ng handa, yung ulo ng lechon samin napunta. hahaha. imba! Ayun, kwentuhan, tawanan, pero maaga din kaming umuwi kasi may mga duty na yung kasama ko, hindi pa din kami kumpletong dosantos.

Eto pla yung nakatutuwang bunso ni Justine, si Jamjam. Ang cute cute na taba-taba na bata. Hahahaha. Ansarap pisilin tlaga, kaso lumalayo siya kasi alam niyang pinipiga siya namin. Hahaha, magaling din siyang magpiano, at bibo.

Matutulog na pala ako, may orientation na ako bukas. Goodnight!




(Source: mystandards)


5/14/12012

My goshhh! Ang tagal ko di nakapag-update. Well, wala namang kaabang-abang tong buhay ko.

Nung last week nagstart na pala ako magduty at sobrang nakakapagod mag volunteer nurse, wala ka ng sahod lahat ng gawain sayo pa binibigay pero sige lang, gora lang , in time magiging regular din ako dun. First day ng duty ko, puro observations muna, pag ka second day na, wala ng pahinga-pahinga, di ka na makakain ng mabuti. hahahaha, kaya pagdating sa bahay, higa agad ako, at nakakatulog na din, di na ako makakapagpuyat kasi maaga ako pumapasok. Isang week na ako nagduduty at masaya naman kaso may descrimination lang sa part naming catholics dun, yung hospital na pinagtatrabahu-an namin ngayon ay isang baptist hospital, mas inuuna nila yung mga kapwa nila baptist kesa saming mga Catholics, pero di dapt ako masindak! Lalo ko pang gagalingan para maging staff nila, ang panget lang dun ay parang requirement nila yung maging baptist ka dun :( yun ang hindi maganda.

At ngayon, day off ko nanaman, at bukas work nanaman! Mas masarap nga tlaga ang tambay, hahahaha, pero need magtrabaho para makaalis na din muna ako dito at matulungan ko pamilya kong naghihikaos sa hirap.

Eto na muna. bye!


5/4/2012

Antagal kong nawala, medyo busy na din kasi. At May na pala, ang bilis lang talaga ng panahon at baka one day magising na lang ako may asawa’t anak na ako. HAHAHA.

Been very busy, kasi simula ng April 26-April 30, di ako nakauwi ng bahay, nag-aatend ako ng Iv therapy at humabol ako sa youth camp. oh diba? naattendan ko silang lahat, kaso nakakabitin yung sa youth camp e, kasi last night na ako nakahabol.

April 26-28, nag IV therapy kami, at super nakakapagod, pero dumalo pa ako sa celebration ni Kenneth sa Sigma, medyo malayo siya 1.5 hours ang byahe mula sa city hindi na ako nakapagpapix dun sa kanilang bukirin kasi madilim na kami nakarating pero infairness ang ganda-ganda talaga dun, ang cute ng bahay nila kubo siya na maraming puno na masarap ang simoy ng hangin, hindi mo mafeel yung init dun kasi ang lamig.

Tapos pagka 28 na gabe gumora na ako sa youth camp, kahit last night basta maabutan ko, 2hourse byahe pa, nakamotor lang kami nina sir Linus at Jeff, buti na lang safe kami nakarating dun. Minsan lang to kaya gusto ko tlga makapunta baka wala ng next time.

tapos party-party na :))

at ang last high Mass.